|
POETRY |
|
|
PAPURI SA MGA MARTIR Ni Jose Maria Sison
Abot langit magpakailanpaman Ang papuri natin sa mga bayaning Namatay sa kamay ng kaaway: Sa larangan ng labanan Sa liblib at ilang na pook Sa silid ng pagpapahirap At sa pagkahanay sa pader.
Sa madudugong lugar na ganito, Ang pakikibaka’y pinakamatalas At ang kahulugan ng buhay Ay nasusubok sa mapagpasyang sandali.
Kagitingang hanggang huling hinga Ang nagpapawalang maliw sa buhay ng martir Lampas sa iglap na kamatayan.
(Repeat last 3 lines as refrain)
|
|