|
POETRY |
|
|
ANG PAGIGING BAYANI Ni Jose Maria Sison
Hindi sa paraan ng pagkamatay Nagiging bayani ang sinuman. Kundi sa kahulugang hinango Sa mga pakikibaka laban sa kaaway.
May bayaning namatay sa larangan, May bayaning namatay sa gutom at sakit, May bayaning namatay sa sakuna, May bayaning namatay sa katandaan.
Anuman ang paraan ng pagkamatay, May pagkakatulad ang mga bayani: Naglingkod sa bayan Hanggang huling hininga.
|
|