Nakakabighani pa ang Gubat
Ni Jose Maria Sison
Lumayas na ang mga sumpunging anito at
diwata
Mula sa matatandang puno at sukal,
Madidilim na yungib at puntog sa mga
lilim,
Malulumot na bato at mga bumubulong na
sapa.
Nawalan na ng nakakaalangang
kapangyarihan
Ang mga kulubot na balete at uwak.
Mga kawalang-katiyakan ng mga
sinaunang panahon
Ay hindi na nakaabang para manggulat
at manakot.
Maingat na pumipintig sa gubat
Ang katiyakan sa ibabaw ng mga
katiyakan
Ng pagputol ng kahoy, pangangaso sa
baboy-damo’t usa,
Pag-ani sa mga prutas, pulot-gata at
orkidiya.
Subalit nakakabighani pa ang gubat
May bagong himig sa hangin
May bagong hiwaga sa malalim na
luntian,
Sabi ng mga magsasaka sa mga kaibigan.
Nangingibabaw ang natatanging
mapanlabang diwa
Para akitin at gulatin ang mga
nanghihimasok.